^

Metro

2 miyembro ng 'Kotong gang', timbog

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nahuli ng mga elemento ng Quezon City Hall police ang dalawang lalaki na miyembro umano ng ‘kotong gang’ matapos sapilitang manghingi ng pera sa mga tanggapan ng Quezon City hall kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang mga na­dakip na sina Mike Christian Castillo, 32; at Filipe Asidera, 20.

Ayon sa ulat, nadakip ang dalawa dakong ala-1:00 ng hapon sa tanggapan ni Councilor Sep Juico 1st District, ng Quezon City sa 2nd floor ng City Hall.  

Nabatid na isang Christopher Jimenez, SK chairman ng NS Amoranto II Sta. Catalina St., Laloma, ang nag­harap ng reklamo sa kanilang tanggapan ma­tapos gamitin ng mga suspek ang pangalan ng una sa kanilang solicitation letter at nanghihingi sa mga taga-City hall.

Ayon sa solicitation letter­, humihingi sila ng suporta para sa kanilang gagana­ping activities sa barangay subalit nang beripikahin ang naturang sulat ay walang ganoong aktibidad sa naturang barangay.

Nabatid pa sa ulat na peke rin ang pirma ng mga opisyal ng barangay na ginamit ng mga suspek sa kanilang solicitation letter dahilan para ipagharap ng reklamo ang huli.

Nahaharap sa kasong estafa at falsification of public documents ang mga suspek.  

vuukle comment

AYON

CATALINA ST.

CHRISTOPHER JIMENEZ

CITY HALL

COUNCILOR SEP JUICO

FILIPE ASIDERA

MIKE CHRISTIAN CASTILLO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with