^

Metro

3 binatilyo niratrat ng 3 lasing na parak

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang bina­tilyo at nasa kritikal naman­ na kondisyon ang dalawa pa matapos na pagbabarilin ang mga ito ng tatlong lasing na bagitong pulis kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si James Pagar, 17, ng Pag-asa St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Ginagamot rin sa nabanggit na ospital si Criss Ryan Garcia, 13, sanhi ng tama ng bala sa mukha at si Mark Kevin Lintag, 17, na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Pinaghahanap naman ng Caloocan City Police ang mga suspek na sina PO1’s Jelson Eugenio; Jeffrey Antonio at Orlan De Leon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa Progreso St., Bagong Barrio.

Nabatid na unang hinahabol ng putok ng mga suspek si Lintag sa nabanggit na lugar hanggang sa maabutan sa isang tindahan.

Sunod-sunod na putok pa rin ang pinakawalan ng mga suspek kung saan nadamay si Pagar na nagpapa-load at si Garcia na bumibili lamang ng burger sa tindahan.

Matapos ang insidente ay dinala ng mga suspek ang mga biktima sa MCU bago nag-alisan kung saan inilipat sa JRMMC si Lintag.

Nabatid na bago ang insidente ay nakitang nag-iinuman ang mga suspek sa nabanggit na lugar. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CRISS RYAN GARCIA

JAMES PAGAR

JEFFREY ANTONIO

JELSON EUGENIO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LINTAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with