^

Metro

Parak na pumatay sa misis na nurse, sumuko

Nila Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong parricide sa Manila Prosecutors Office ng Manila Police District ang isang bagitong pulis sa Tuguegarao City na pumatay sa kanyang asawang nurse noong Hunyo 6 sa Sampaloc, Maynila.

Si PO1 Nathan Legasi, ng San Gabriel Village, Tu­gue­garao City ay sinundo ng MPD homicide section sa pamumuno ni Sr. Insp. Joselito Ocampo matapos na sumuko sa kanyang hepe na si Senior Insp. Richard Gatan ng PNP-PRO-2.

Ayon kay Legasi sumuko siya dahil hindi niya intensyon na patayin ang kanyang asawang si Krizza, 26, kung saan aksidente lamang umanong pumutok ang baril habang sila ay nag-aaway.

Inamin naman ni Velasco Legasi, ama ng suspect at pastor ng Baptist Church, na bagama’t pinagsisihan ng kanyang anak ang ginawa, taliwas iyon sa katuruan ng Bibliya.

Matatandaan na natagpu­ang patay ang biktima dakong ala-1:00 ng hapon noong Hunyo 6 sa loob ng Room 301 NIC Apartment sa Manrique St., Sampaloc.

Bago naganap ang insi­dente, dumating ang suspect sa nasabing apartment na nagpakilalang si Joshua Pa­cete ng Mabalacat, Pam­panga at nirentahan ang Room 202 at namalagi ng 5 araw.

Makalipas lamang ng ilang oras nang makarinig si Lawrence Samonte, main­tenance ng building ng sigaw ng babae kasunod ng putok ng baril. Paakyat na siya para mag-usisa nang makasalubong niya ang suspect na may dalang bag at tila baril na isinusuksok sa kanyang beywang.

Idinahilan ng suspect na ayaw niyang magtrabaho sa abroad ang kanyang asawa kung saan umalis ito mula sa probinsiya upang ayusin ang kanyang mga papeles papuntang abroad.  

BAPTIST CHURCH

HUNYO

JOSELITO OCAMPO

JOSHUA PA

KANYANG

LAWRENCE SAMONTE

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MANRIQUE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with