^

Metro

SUV kinardyak sa Manila

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mismong sa tapat ng bahay ng biktima tinutukan ng baril, sinakal at inagawan ng mamahaling kotse ang 60-anyos na lolo sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Personal na dumulog sa tanggapan ng MPD-Anti Carnapping Unit (ANCAR) ang biktimang si Armando Arce, ng Antipolo St., Gagalangin Tondo laban sa mga inilarawang tatlong kalalakihan na armado ng baril, na tumangay sa kanyang Mitsubishi Montero (TXQ-513).

Dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng mga biktima.

Nauna dito, galing ang biktima at anak nitong si Razquel Peret, 37, sa Metropolitan Medical Center at habang ipapasok sana ng kanilang garahe ang minamaneho nitong kulay Sedona Red na Mitsubishi Montero nang sumulpot ang mga suspect at isa sa kanila ay nilapitan siya, tinutukan at sinakal siya sa leeg.

Naniniwala ang biktima na posibleng inaabangan nila ang kanilang pagdating base sa nakita sa Closed Circuit Television (CCTV) kung saan nakitang nag-aabang sa kanto ang mga suspect.  

ANTI CARNAPPING UNIT

ANTIPOLO ST.

ARMANDO ARCE

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

GAGALANGIN TONDO

METROPOLITAN MEDICAL CENTER

MITSUBISHI MONTERO

RAZQUEL PERET

SEDONA RED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with