^

Metro

Mister nagbigti matapos makipag-away kay misis

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na umabot sa Father’s Day ang isang mister nang magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti matapos na umano’y makipag-away sa kaniyang misis sa Marikina City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Solomon Yanson, 35, tubero at residente ng Road-2 Iwahig, Brgy. Tumana, Marikina City.

Si Yanson ay natagpuang nakabigti sa beam ng kanilang bahay gamit ang isang electrical wire.

Batay sa inisyal na ulat nina SPO1 Aladin Alingas at PO2 Joel Sison, ng Marikina City Police, dakong alas-5:30 ng madaling-araw kahapon nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima sa loob ng kanilang kuwarto.

Nabatid na naghahanda si Jenalyn Maloloy-On, 36, nang babaunin ng kanilang mga anak sa eskuwela nang madiskubre ang pagpapakamatay ng mister.

Aniya, napansin niyang saradung-sarado ang kanilang kuwarto at nang kanyang buksan ang pintuan ay dito na nakita ang asawa na nakabigti at wala ng buhay.

Kuwento ni Jenalyn sa pulisya, bago ang pagpapakamatay ng asawa ay nagkaroon sila nang pagtatalo at iniwanan niya itong mag-isa sa kanilang kuwarto at nakitulog na lamang siya sa kuwarto ng kanilang mga anak na nasa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Huli umano niya itong nakitang buhay dakong alas-7:00 ng gabi habang mag-isang umiinom ng alak sa kanilang sala.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataong tinangka ng biktima na wakasan ang sariling buhay dahil nagtangka na rin umano itong magpakamatay nang minsang mag-away din silang mag-asawa.

Samantala, matapos na hamunin ng hiwalayan ng kanyang live-in partner, winakasan ng isang tricycle driver ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si John David, 27, ng Block 4 Lot 25 Pound Street, Veraville 3 Manuela Subdivision, Brgy. Pamplona 3, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi nang madiskubre ang nakabigting bangkay ni David malapit sa hagdan ng kanilang bahay ng nakababatang kapatid nito na si Theodore, 22.

Sa pahayag ni Theodore sa pulisya, huli niyang nakita ang kapatid dakong alas-6 ng gabi nang bumili ng alak. Idinaan umano sa pag-inom ng alak ng biktima ang sama ng loob sa pag-aaway nila ng kanyang live-in partner noong Miyerkules ng umaga sa hindi pa malamang dahilan.

Sa gitna umano ng mainitang pag-aaway, nagbanta ang babae na makikipagkalas na siya sa kinakasama at tatapusin na ang kanilang relasyon. Labis na dinamdam umano ito ng biktima at hanggang sa makitang nakabigti na. (Dagdag ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALADIN ALINGAS

BRGY

CITY POLICE

DANILO GARCIA

JENALYN MALOLOY-ON

JOEL SISON

KANILANG

LAS PI

MARIKINA CITY

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with