^

Metro

2 holdaper timbog

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagwakas ang pa­mamayagpag ng dalawang kilabot na holdaper na nambibiktima ng mga commuters na umuuwi sa dis-oras ng gabi matapos na maaresto ilang minuto makaraang holdapin nila ang dalawang dalagang naghihintay ng masasakyan dito sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspect na sina Christian Sanchez, 30, at Ronaldo Furigay, 21.

Sila ay naaresto makaraang magsisigaw ng saklolo ang mga biktimang sina Mary Jane Lamar, 28, dalaga, cashier; at Jayson Ramirez, 17, binata ng Brgy. Makinabang, Bulacan.

Ayon kay Diva, nangyari ang insidente sa may Bus bay sa north Edsa ganap na alas- 11:47 ng gabi.

Sinasabing nagkukuwentuhan ang mga biktima habang naghihintay ng masasakyan nang lumapit sa kanila ang mga suspect na biglang naglabas ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Agad na kinuha ng mga suspect ang pera at gamit ng mga biktima, pero nagsisigaw ng tulong ang mga ito na nakakuha ng atens­yon sa mga security guards ng katabing mall at hinarang ang mga suspect at maaresto.

AYON

BRGY

BULACAN

CHRISTIAN SANCHEZ

EDSA

JAYSON RAMIREZ

KINILALA

MARY JANE LAMAR

RONALDO FURIGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with