^

Metro

Holdaper sa MRT, timbog

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Arestado ang isang holdaper na nag-ooperate sa mismong Metro Rail Transit (MRT) habang nakatakas ang dalawang kasamahan nito matapos na mambiktima ng isang pasahero sa North Station sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nadakip na suspect na si Diego Castigador Jr., 27, ng Block 8, #151 Montalban Heights, San Jose, Montalban, Rizal, habang nakatakas ang dalawang kasapakat nito.

Si Castigador ay nadakip makaraang humingi ng tulong sa security guard ng MRT ang biktimang si Mark Edison Casem, at residente ng Concepcion St., Sampaloc, Manila.

Nangyari ang insidente sa may MRT north EDSA Station, Brgy. Pagasa ganap na alas-6 ng gabi.

Diumano, humalo sa mga pasahero ang mga suspect at nang makita ang target na biktima ay sinabayan nila ito palabas ng MRT. Nang makalabas ay agad na nilapitan ng mga suspect ang biktima saka tinutukan ng patalim sa tagiliran at sabay bigkas ng katagang “holdap ito, wag ka maingay” bago kinuha ang dalang gamit ng huli na isang Iphone 4G at Iphone 4s.

Habang papatakas ang mga suspect, agad na humingi ng tulong ang biktima sa security guard na si Ian Sedoriosa at hinabol ang mga suspect kung saan nadakip si Castigador at nakatakas ang kasamahan nito.

CONCEPCION ST.

DIEGO CASTIGADOR JR.

IAN SEDORIOSA

IPHONE

MARK EDISON CASEM

METRO RAIL TRANSIT

MONTALBAN HEIGHTS

NORTH STATION

SAN JOSE

SI CASTIGADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with