'Akyat-bahay' sumalakay sa Marikina

MANILA, Philippines - Isang abogada na naka­talaga sa tanggapan ng Office of the Ombudsman ang nabiktima ng mga kawatan na ‘Akyat bahay gang’ sa Mari­kina City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Atty. Myla Teona Teologio, ng Mountain View Subd., Brgy. Sta. Elena sa lungsod.

Apat na hindi pa nakikilalang mga miyembro ng ‘Akyat bahay gang’ ang sinasabing pumasok sa bahay ng abo­gada at tinangay ang mala­king halaga ng pera, alahas, laptop at iba pang importanteng ka­gamitan na sinasa­bing aabot sa milyong halaga.

Sa imbestigasyon ng pu­­lisya, lumilitaw na naganap ang insidente ganap na alas-8:00 ng umaga nang pumasok ang abogada sa kanyang opisina at lumabas naman ang ina nito noong pasukin ang bahay at doon tinangay ng mga suspek ang lahat ng kanilang mapapakinabangan.

Show comments