^

Metro

Taxi tinangay ng pasaherong karnaper

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Natangayan ng kanyang pinapasadang taxi ang isang driver mismo na kanyang naging pasahero sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si Max Monsali, 53, ng Rodman St., Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Nakuha kay Monsali ang pinapasada nitong Reno Taxi (TXP-880) matapos magdeklara ng holdap ang suspect sa may Giraffe St., Brgy. Ugong Norte sa lungsod.

Nabatid na sumakay sa taxi ng biktima sa may Kamias Extension at nagpahatid sa may Green Meadows Subdivision, ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Pagsapit sa nasabing lugar, agad na naglabas ng baril ang pasahero at nagdeklara ng holdap. Agad na pinababa pa ng suspect ang biktima, bago tinangay ang taxi nito patungo sa hindi mabatid na direksyon.

vuukle comment

BATASAN HILLS

BRGY

GIRAFFE ST.

GREEN MEADOWS SUBDIVISION

KAMIAS EXTENSION

MAX MONSALI

MONSALI

RENO TAXI

RODMAN ST.

UGONG NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with