MANILA, Philippines - Isang babaeng may sakit sa pag-iisip ang nasawi matapos itong magbigti kahapon sa Valenzuela City.
Kinilala ang nasawi na si Amy Soleta, 39, ng Oreta St., Brgy. Maysan ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 nang makatawag pansin sa kanilang mga kapitbahay ang walang humpay na pag-iyak ng siyam na buwang sanggol na lalaki ng biktima sa loob ng kanilang bahay.
Inalam naman ni Janel Santos, kapitbahay ng biktima ang dahilan ng pag-iyak ng sanggol kung saan dito tumambad sa kanya ang nakabigting si Soleta.
Lumalabas na may diprensiya sa pag-iisip ang biktima at naipagamot na ito sa National Mental Hospital.