^

Metro

Amerikano nagbigti sa hotel

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Natagpuang walang buhay ang isang American national sa loob ng inuupahan nitong silid sa isang five-star hotel sa Makati City, kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Gary Edward Stenules, 58 ng Illinois, USA. Natagpuan itong nakabigti sa loob ng kanyang tinutuluyang kuwarto sa Dusit Thani Hotel sa Ayala Center, Makati.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng empleyado ng hotel na si Gerald O’Shoea. Suicide o pagpapatiwakal ang nakikitang dahilan ng pulisya batay na rin sa isinagawang pag-iimbestiga lalo na’t walang nakitang palatandaan na may nangyaring karahasan sa loob ng silid bago madiskubre ang bangkay. Ito’y sa kabila na wala namang natagpuang suicide note sa silid.

Ito rin ang naging paniniwala ng mga imbestigador ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na nakabase sa embahada ng Estados Unidos sa Maynila na nagtungo rin sa lugar ng insidente upang magsagawa ng pagsusuri. Nabatid rin na nagbabakasyon lamang dito sa Pilipinas si Stenules na isang empleyado ng pamahalaan sa Illinois. Umorder pa umano ito ng alak sa hotel bago natagpuan ang kanyang bangkay.  

AYALA CENTER

DUSIT THANI HOTEL

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

GARY EDWARD STENULES

GERALD O

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with