PNP bantay sarado sa Independence Day
MANILA, Philippines - Bantay sarado ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang lugar na pagdarausan ng selebrasyon kaugnay ng ika-114 anibersaryo ng deklarasyon ng Araw ng Kasarinlan ngayon (Hunyo 12). Ayon kay PNP Chief P/Director General Nicanor Bartolome, nagbigay na siya ng kautusan sa lahat ng mga unit ng pulisya upang mahigpit na bantayan at magtalaga ng civil disturbance management team para sa selebrasyon ng Independence day. Nabatid na may sapat na bilang ng mga pulis ang ipakakalat sa mga lugar na pagdarausan ng selebrasyon upang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan.
- Latest
- Trending