^

Metro

Annabelle Rama, ipinaaaresto ng korte

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang pag-aresto sa talent mana­ger na si Annabelle Rama kaugnay sa 14 counts ng libel case na isinampa ng aktres na si Nadia Montenegro.

Kaugnay nito, kinan­sela rin ni QCRTC branch 92 Judge Eluterio Bathan na ma­kapagpiyansa si Rama ng halagang P140,000 dahil sa pahayag ng abogado nitong si Atty. Derick Delegencia na hindi makakadalo ang kliyente sa itinakdang petsa ng kor­te para sa arraignment sa kaso.

Nauna nang ibinasura ng korte ang motion for reconsideration na inihain ng abogado ni Rama dahil nakasaad aniya sa ruling ng korte na kinakailangang dumalo ang akusado sa nasabing arraignment.

Kahapon ng alas-8:30 ng umaga ay hindi dumalo si Rama ng takdang arraignment sa kaso.

Kaugnay nito, binig­yang diin ni Marie Glen Ab­raham, abogado ni Montenegro na sa ilalim anya ng court ruling, obligado ang isang akusado na dumalo sa arraignment maliban kung ito ay may sakit at maaari lang itong makapagpiyansa sa korte oras na madakip na ng mga awtoridad.

ANNABELLE RAMA

DERICK DELEGENCIA

IPINAG

JUDGE ELUTERIO BATHAN

KAHAPON

KAUGNAY

MARIE GLEN AB

MONTENEGRO

NADIA MONTENEGRO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with