Pagkatalo ni Pacquiao, 'highway robbery' - Lim

MANILA, Philippines - Itinuturing ni Manila Mayor Alfredo Lim na isang ‘highway robbery’ ang pagkatalo ni Sarangani Rep. at Filipino boxing hero Manny Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. kahapon. Kasama ang iba pang manonood sa San Andres Sports Complex, lubhang dismayado si Lim sa pagka­panalo ni Bradley bilang bagong WBO welterweight champion, samantalang kitang-kita naman umano ang mga suntok ni Pacquiao sa kalaban.

Unang nanood sa Tondo Sports Complex ng undercard game si Lim kung saan namigay din ito ng pera sa mga bata bilang allowance sa kanilang pag-aaral. Sinabi ni Lim na posibleng magkaroon ng rematch ng Pacquiao-Bradley kung saan knock out na ang magiging resulta.

Bagama’t natalo kay Bradley, naniniwala din si Lim na hindi magbabago ang tingin ng mga Filipino kay Pac­quiao­ bilang sports icon. Isinagawa ang libreng panonood ng Pacquiao-Bradley fight sa Tondo sports complex, (District I), Patricia Sports Complex (District II), Rasac Covered Court (District III), Dapitan Sports Complex (District IV), San Andres­ Sports Complex (District V) at Teresa Covered Court (District VI). 

Show comments