^

Metro

Bodega ng pintura, natupok

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Natupok ang isang bo­dega na pinag-iimbakan ng pintura makaraang sumiklab ang isang apoy sa isang commercial area, kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Dakong alas-7 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bodega na nasa kanto ng J. Teodoro St. at 9th Avenue, Gracepark, ng naturang lungsod.  Alas-8:26 ng gabi nang ideklarang fire under control ang sunog at bandang alas-9:45 ng gabi na ito naapula.

Ayon kay Caloocan City fire marshall Supt. Roel Je­remy Diaz, nagsimula ang apoy sa Maspem Machinery Incorported na pagmama­y-ari ng isang Feliza Sy.

Nahirapan naman ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa mga pintura at iba pang kemikal na nagsilbing gatong para lumaki pa ang apoy.

Tatlong fire volunteers naman ang nahirapang humi­nga dahil sa makapal na usok ngunit agad rin namang nalapatan ang mga ito ng lunas.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagsimulan ng apoy at halaga ng pinsala nito.

vuukle comment

APOY

CALOOCAN CITY

DIAZ

FELIZA SY

GRACEPARK

MASPEM MACHINERY INCORPORTED

ROEL JE

TATLONG

TEODORO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with