Vendor tigok sa holdap
MANILA, Philippines - Patay ang isang 21-anyos na ambulant vendor nang magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan nang pumalag sa holdap at barilin ng dalawang holdaper, sa Baseco MANILA, Philippines - Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Tumagos sa tiyan ang dalawang bala na tinamo sa likod ng biktimang si Ryan Evangelista, residente ng no. 319 Geronimo St., Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ni SPO2 Glenzor Antonio Vallejo, ang insidente ay naganap dakong alas-10:25 ng gabi, sa Block 3 Habitat Public Market, sa Baseco.
Nabatid na pauwi na umano ang biktima matapos ang maghapong pagtitinda at sinundan umano ng mga suspect na armado ng baril.
Dito na nagdeklara ng holdap ang mga suspect at sa halip namang ibigay ang mga kinita, ay tinangka ng biktima na tumakas dahilan upang ito ay pagbabarilin.
Nang bumulagta ang biktima ay tumakas naman ang mga suspect.
Dinala ang bangkay sa St. Yvan Funeral Parlor para sa awtopsiya habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakilanlan ng dalawang suspect.
- Latest
- Trending