^

Metro

SUV bumaliktad: 1 patay, 7 sugatan

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na lalaki ang patay habang may pito pa ang sugatan nang tu­maob ang sinasakyan nilang sports utility vehicle (SUV) matapos na mawalan ng kontrol saka tumama sa isang poste ng kuryente sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ni PO3 Ben Tilao ng Traffic Sector 1, agad na nasawi si Ge­rald Balberan, ng No. 16 Highway Hills, Marikina City matapos maipit at tamaan ang kanyang ulo ng salamin ng Mitsubishi Montero (NSO-553) na kanilang sinasakyan.

Nakilala naman ang mga sugatan na sina Angelo Delfin, 17; Patrick Mandinado, 18; Julio Gabriel Sanclaria, 17; Magiting Clapuno, 16; Melanio Pagasar; 17; Lemmuel John Lajung, 22 at Michael Lahug, 20.

Ang mga ito ay pawang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) dahil sa tinamong mga pasa, at galos sa katawan.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Araneta Avenue kanto ng Retiro St. Brgy Talayan sa lungsod pasado alas-3 ng madaling-araw.

Sinasabing sakay ang mga biktima ng nasabing SUV na minamaneho naman ng isang Xerxes Sapalo, 36, patungong Maynila nang biglang pumutok ang gulong sa kanang likuran nito.

Ayon kay Sapalo, negosyante, dadalhin umano niya si Balberan at ang pa­sahero na karamihan ay ka­bataan sa Caloocan City kung saan sasali ang mga ito sa kompetis­yon ng DOTA game tournament.

Habang tinatahak ang na­sabing lugar ay nagka­roon ng aberya dahilan para mawalan ng kontrol sa mani­bela si Sapalo at bi­nangga ang poste ng Meralco saka tumagilid ito pakanan at bumaliktad. Si Balberan na natutulog sa unahan ng sa­­sakyan ay naipit na ikina­matay nito.

Sa pahayag ni Sapalo, minabuti umano niya na banggain ang poste kaysa mahulog umano ang sa­sak­yan sa creek. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

ANGELO DELFIN

ARANETA AVENUE

AYON

BALBERAN

CALOOCAN CITY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HIGHWAY HILLS

SAPALO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with