Ilang lugar sa Metro Manila dumanas ng 3-oras na brownout
MANILA, Philippines – Kakulangan ng power supply ang itinuturong dahilan ng Manila Electric Company (Meralco) sa pagkakaroon ng tatlong oras na brownout sa ilang panig ng Metro Manila kahapon.
Sa Twitter account ng Meralco, sinabi nito na nag-tripped ang Sual 1 power plant sanhi upang magkaroon ng power supply deficiency na nagdulot ng emergency power interruption dakong alas-12:18 ng madaling-araw na kaagad namang naibalik dakong alas-12:32 ng madaling-araw.
Kinaumagahan ay muling inanunsiyo ng Meralco na magkakaroon ng ‘tentative’ na tatlong oras na brownout mula alas-9:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi dahil umano sa problema sa mga power plant nito.
Anito, nagkaroon ng outage sa Calaca 1 at Sual 1 at dalawang planta, at nagkaroon din ng limitasyon ng suplay sa Ilijan, Sta. Rita at San Lorenzo power plants.
“The schedule will be between 9:00 a.m. and 8:00 p.m. for 3 hours,” anang Meralco.
Sinasabing naibalik din ang kuryente sa ilang lugar, tatlong oras matapos ang brownout.
- Latest
- Trending