^

Metro

Himok ni Lim sa mga Manilenyo: Maglagay ng bandila at iwagayway

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Maglagay ng bandila at iwagayway, gunitain ang mga bayaning nagsakripisyo para sa kasarinlan ng bayan natin.

Panawagan ito ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga Manilenyo kasabay ng pagtanggap niya kahapon ng donasyong mga bagong watawat ng Pilipinas na ipamamahagi sa may 71 public elementary at high schools ng lungsod.

Ang nasabing mga bandila ay itinaon naman ng grupo ng donor mula sa Chinese-Filipino Business Club, Inc. (CFBCI) sa nalalapit na pagdiriwang ng 114th Independence Day sa Hunyo 12.

Malugod namang nagpasalamat si Lim sa CFBCI officials na pinangunahan ng pangulo nitong si Cristino Lim, Vice presidents Lao Giok Chiao at Johnny Lee.

Hinimok din ni Lim ang mga tanggapan, ma­ging ang mga pribado at kani-kanilang kabahayan at sasakyan na magdisplay din ng bandila ng Pilipinas.

Kasabay nito, nagpalabas na rin ng advisory ang United States Embassy na sarado sa anumang transaksyon ng kanilang tanggapan sa Martes (Hunyo 12) bilang pagbigay-galang sa Araw ng Kasarinlan ng bansa.

ARAW

CHINESE-FILIPINO BUSINESS CLUB

CRISTINO LIM

HUNYO

INDEPENDENCE DAY

JOHNNY LEE

LAO GIOK CHIAO

MANILA MAYOR ALFREDO S

PILIPINAS

UNITED STATES EMBASSY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with