Shabu queen timbog sa buy-bust
MANILA, Philippines – Natimbog ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-National Capital Region, ang hinihinalang ‘shabu queen’ sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ni PDEA- NCR Director Wilkins Villanueva, ang suspek na si Carmila de Ocampo, 32, at nakatira sa Blk. 9 Lot 16 Magdaon St.,Promise Land Muntinlupa City.
Sinasabing dakong alas-7:30 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa tapat ng Roosevelt College, 10th Avenue., Cubao, Quezon City.
Noong panahong iyon, isang poseur buyer ng PDEA ang nakipag-deal kay De Ocampo sa naturang lugar at saka ito inaresto sa aktong nagbabayaran na.
Nakumpiska sa suspect ang may limangpung (50) gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P.2 million, isang cellphone, boodle money na ginamit sa operasyon at visitors ID ng National Bureau of Prison.
May hinala ang PDEA na ang nakuhang shabu sa ginang ay galing umano sa loob ng National Bilibid Prison kung saan nakakulong dito ang kanyang asawa na may kasong murder.
- Latest
- Trending