^

Metro

2 holdaper timbog

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Himas rehas ngayon ang dalawang miyembro ng ki­labot na Bahala na Gang at Sputnik Gang matapos na maaresto dahil sa panghoholdap ng isang call center agent sa may lungsod ng Quezon ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspect na si Aris Francisco, 26, miyembro ng Sputnik Gang at Sammy Lagauri, 31, miyembro ng Bahala na Gang.

Sila ay nadakip matapos na humingi ng tulong sa mga nagrorondang awtoridad ang biktimang si Jeric Rongap, 23, residente ng Brgy. Botocan Project 2 sa lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa kahabaan ng EDSA north-bound malapit sa panulukan ng Gen. Roxas Avenue. Brgy. Soccoro, Cubao ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.

Naglalakad ang biktima nang lapitan ng suspect at inalok ang una ng prostitute. Nang tumanggi ang biktima ay saka naglabas ng patalim ang suspect at hinoldap na lang ang una.

Tinangay ng suspect ang N70 cellphone at P7,000 ng biktima saka sumibat papalayo. Hindi naman nawalan ng loob ang biktima at hinabol ang suspect kung saan tiyempo namang nagpapatrulya sa lugar ang tropa ng Police Station 7 at nakita ang insidente saka inaresto ang mga huli.

vuukle comment

ARIS FRANCISCO

AYON

BAHALA

BOTOCAN PROJECT

BRGY

JERIC RONGAP

POLICE STATION

ROXAS AVENUE

SAMMY LAGAURI

SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with