Biggest losser contest inilunsad ng PNP
Manila, Philippines - Upang higit na mapalakas ang Health Awareness Campaign at Pulis Pangkalusugan Program, inilunsad kahapon ng PNP National Police Health Service (PNP-HS) ang walong linggong ‘Biggest Weight Loss Challenge’ para sa lahat ng mga pulis na nakabase sa Camp Crame.
Ito’y matapos makakuha ng inspirasyon ang PNP sa dating pulis na si Larry Sienno Martin, ang instant millionaire matapos na itanghal na biggest losser grand winner sa ABS-CBN Channel 2 noong Oktubre 2011.
Si Martin ay natanggal sa pagka-pulis matapos naman itong mabigong matamo ang 34 inch waistline bilang isa sa mga rekisitos ng PNP.
Nabatid na mula sa dating 255 pounds nang lumahok sa patimpalak ay naabot ni Martin ang 154 pounds o kabawasang 101 sa kanyang dating timbang kaya nagwagi sa biggest losser contest.
Ayon kay PNP HS Director, Senior Superintendent Ma. Angela Vidal na noong Mayo 30 ay nagsagawa na sila ng screening at assessment na tatagal hanggang Hulyo 18, 2012 para sa pinal na ebalwasyon sa mga matatabang pulis na papalaring lumahok sa naturang programa.
Samantalang ang mga magwawagi ay magkakamit ng gantimpala na sa kasalukuyan ay isinasailalim pa sa ebalwasyon ng PNP.
- Latest
- Trending