^

Metro

Tirador ng mga aso niratrat: 1 patay, 2 pa sugatan

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Isang lalaki ang nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa nitong kasamahan matapos na pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin dahil umano sa pagnanakaw ng mga una ng aso sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi sa alyas na John, 25-30-anyos, naka­suot ng kulay green na t-s­hirt­­ at stripes na short pants at may tattoo sa dibdib na “Pingol, John-John” at Joseph Pranos sa kanang balikat.

Nilalapatan naman ng lunas sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang mga sugatan na sina Jovet Candelario, 19 at Melchor Aguilar.

Ang suspect na armado ng kalibre .45 na baril ay mabilis namang tumakas sakay ng isang bisikleta.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Congressional Avenue malapit sa kanto ng Jupiter St. Brgy. Bahay Toro sa lungsod, ganap na alas-2 ng mada­ling-araw

Diumano naglalakad sa nasabing lugar ang mga biktima nang biglang sumulpot mula sa kanilang likuran ang suspect at sumi­sigaw ng katagang “Ibalik niyo ang mga aso.”

Pag­lingon ng mga biktima ay agad na nagbunot ng baril ang suspect at pinagbabaril ang mga ito, saka tumakas.

Nagawa pang maitakbo sa nasabing ospital ang tatlo pero tanging si John ang idineklarang dead on arrival.

Samantala, sinabi naman­ ni PO3 Joyce Marcelo ng QCPD-Station 3, umamin na umano ang isa sa mga biktima kaugnay sa ginawa nilang pagnanakaw ng aso.

Aniya, base sa kuwento ng isa sa mga biktima, paalis na sana umano sila nang sitahin at habulin ng suspect at pagbabarilin.

BAHAY TORO

CONGRESSIONAL AVENUE

JOSEPH PRANOS

JOVET CANDELARIO

JOYCE MARCELO

JUPITER ST. BRGY

MELCHOR AGUILAR

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with