Ginang inabot nang panganganak sa LRT

Manila, Philippines -  Hindi na umabot pa sa pu­puntahang pagamutan ang isang 33-anyos na buntis nang magsilang ng sanggol na babae habang sakay sa LRT 1, sa pagitan ng Libertad at Pedro Gil station, kahapon ng umaga.

Si Angel Hukba, residente ng Perpetua Village, Taguig City ay patungo na sana sa Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz upang doon manganak subalit hindi na napigilan ang paglabas ng beybi sa loob ng LRT.

Sumaklolo umano kay Hukba ang dalawang nurse ng Philippine General Hospital dala ang stretcher at idi­niretso na sa emergency room dakong alas-11:30 ng umaga. Nasa maayos na lagay naman ang sanggol sa isang incubator.

Show comments