^

Metro

Lolo nag-rambo, sugatan sa parak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang lolo makaraang mabaril sa hita ng isang pulis na umaawat sa ginagawa nitong pagwawala sa kanilang lugar sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center (ARMC) ang 68-anyos na si lolo Jose Guevarra, isang dating Overseas Filipino worker (OFW) at residente ng Senga St., Brgy. Calumpang, ng naturang lungsod.

Kinasuhan naman si Guevarra ng patung-patong na direct assault, grave threats at illegal discharge of firearms ng Marikina City Police at kanyang mga kapitbahay na sina Maan Santillan, 32; at Francis Padullo.

Sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-8:30 ng gabi unang nagwala si Guevarra na armado ng isang .9mm pistol kung saan tinutukan ng baril ang mag-asawang Santillan dahil sa inis sa ingay ng kahol ng kanilang aso. Binantaan pa umano ni Guevarra ang mag-asawa na sila ang papatayin kung hindi kayang patahimikin ang aso.

Dahil sa patuloy na kahol ng aso, sunud-sunod na ipinutok umano ni Guevarra ang baril kaya tumawag na ng pulis ang ibang kapitbahay. Rumesponde naman ang isang PO2 Delos Reyes ng Marikina City Police kasama ang mga barangay tanod at inutusan ang lolo na ibaba ang baril at kusang-loob na sumuko.

Sa halip na sumunod, pinutukan umano ng suspek ang mga pulis at tanod na masuwerteng hindi tinamaan dahil sa pagiging lasing ni Guevarra. Gumanti naman ng putok ang pulis kung saan tinamaan ang suspek sa hita.  

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

DELOS REYES

FRANCIS PADULLO

GUEVARRA

JOSE GUEVARRA

MAAN SANTILLAN

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

OVERSEAS FILIPINO

SENGA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with