^

Metro

1 patay, 1 sugatan sa riding-in-tandem

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muli na namang nakalusot sa mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang mga kriminal na “riding-in-tandem” makaraang pagbabarilin ang isang lalaki, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Agad na nasawi dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Amid Tabo-Tabo, 39, ng Phase 5 Bagong Silang, Caloocan habang sugatan naman nang tamaan ng ligaw na bala sa hita si Mary Ann Wunuyan, 17.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-4 ng hapon sa tapat ng isang talipapa sa Phase 5 Bagong Silang. 

Katatapos lamang bumili ng karne ng biktima at papasakay na sa kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang dalawang salarin lulan ng isang motorsiklo at sunud-sunod itong pinaputukan.

Agad namang naisugod sa East Avenue Medical Center ang dalagitang si Wunuyan na nasa ligtas na kalagayan na.

Inaalam naman sa kanilang imbestigasyon ng pulisya ang motibo ng naturang pamamaslang.

AMID TABO-TABO

BAGONG SILANG

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

INAALAM

KATATAPOS

MARY ANN WUNUYAN

NORTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with