^

Metro

Canteen sa mga public school sasailalim sa inspection

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Inatasan ni Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman ang Manila City Health Department na ins­peksiyunin and mga canteen ng bawat pampublikong paaralan upang matiyak na malinis ito, kasabay ng pagbubukas ng klase bukas.

Ayon kay de Guzman, prayoridad ni Manila Mayor­ Alfredo Lim na malinis ang pasilidad ng mga pa­aralan  partikular ang canteen kung saan nakalagak ang pagkain ng mga estudyante.

Aniya, dapat na walang lamok o langaw na nakapapasok na posib­leng  pagmulan ng anumang sakit ng mga estud­yante kasabay ng pag­dagsa ng mag-aaral ngayon Lunes.

Posible rin sumailalim sa inspection ang mga magtitinda sa pa­ligid ng paaralan upang ma­siguro na malinis ito at hindi pagmumulan ng anumang uri ng sakit.

Bagama’t hindi mapipigilan ang mga vendor na magtinda sa paligid ng paaralan, dapat lamang na may abiso ang mga ito o permiso mula sa prin­cipal o kaya ay sa opisyal ng pa­aralan.

Paliwanag ni De Guzman, kaligtasan at ka­lusugan lamang ng mga mag-aaral ang  tinututukan kung kaya’t kailangan ang kaunting paghihigpit.

Kasabay nito, pinayuhan na rin nito ang mga magulang na pagbaunin na lamang ng pagkain ang kanilang anak upang matiyak na malinis at ligtas sa sakit.

ALFREDO LIM

CHIEF OF STAFF

DE GUZMAN

GUZMAN

MANILA CITY HEALTH DEPARTMENT

MANILA MAYOR

MEDIA INFORMATION BUREAU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with