^

Metro

Tinsmith huli sa pagpapaputok ng baril

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines -  Hindi pinalusot ng mga awtoridad ang isang tinsmith nang ituro ng kanyang kapitbahay sa iligal na pag­papaputok ng baril, sa kabila ng depensa na aksidente lamang na pumutok habang nililinis, sa Tondo­, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Inihahanda pa ang mga kasong kriminal na isa­sampa laban sa inares­tong si Leopoldo Gavina, residente ng #1065 PNR compound, Batangas St., Tondo na naka­piit sa Manila Police District (MPD)-Station 7.

Sa ulat ni Supt. Rode­rick Mariano, hepe ng MPD-Station 7, dakong alas-6:00 ng gabi nang maaresto ang suspect na si Gavina sa Maria Guanzon St., Tondo, Maynila.

Bago ang pag-aresto, sinabi ni Edwin Suyao, ka­gawad ng Brgy. 152,  Zone 14,  District 2, nagpapakain siya ng alagang aso nang marinig niya ang malakas na putok at dahil naalarma ay inalam ang pinangga­lingan ng putok.

Nasilip ni Suyao si Gavina habang hawak-hawak pa nito ang isang kalibre .38 na paltik at nang tanungin ay nililinis lamang ang baril na aksidenteng pumutok.

BATANGAS ST.

BRGY

EDWIN SUYAO

GAVINA

INIHAHANDA

LEOPOLDO GAVINA

MANILA POLICE DISTRICT

MARIA GUANZON ST.

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with