^

Metro

3 timbog sa panghoholdap

- Ricky ­Tulipat -

Manila, Philippines -  Tatlong kabataan ang ina­resto ng awtoridad matapos na holdapin ang isang mag-asawa at saktan pa nila ang mga ito sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

 Kinilala ni PO3 Marlon Tan, may-hawak ng kaso, ang mga suspect na sina Gaddi Clores, 22, Jade Garrata, 18, at isang 17-anyos, pawang mga residente sa Agham Road, Brgy. Bagong Pag-Asa.

 Ayon kay Tan ang mga suspect ay inaresto matapos holdapin ang mga biktimang sina Bonifacio Ciriaco, 57, at asawang si Marietta, 56, sa may panulukan ng EDSA at West Avenue, Quezon City. 

 Si Marietta ay nagtamo ng sugat sa kanang kamay matapos na saksakin ni Garrata­. Nangyari ang insidente habang ang mag-asawa ay naglalakad sa naturang lugar at lapitan ng mga suspect.

 Kasunod nito ,biglang nagdeklara ng holdap ang mga suspect sabay tutok ng patalim kay Bonifacio at kinuha ang bracelet nito.

 Tinangka pang manlaban ni Bonifacio, pero inam­baan siya ng saksak ng mga suspect.

Nakita naman ni Marietta ang pangyayari at tinangkang awatin ang suspect pero siya naman ang nasaksak nito.

 Matapos nito ay agad na sumibat ang mga suspect pero nakita pala ang insidente  ng mga security guard na sina Rodel Mesina at Eduardo Amador at hinabol  ang mga suspect

 Narekober sa mga suspect ang tatlong patalim na ginamit sa nasabing panghoholdap, maging ang gold bracelet ni Bonifacio na nagkakahalaga ng P50,000.

AGHAM ROAD

BAGONG PAG-ASA

BONIFACIO

BONIFACIO CIRIACO

EDUARDO AMADOR

GADDI CLORES

JADE GARRATA

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with