3,000 nabiyayaan ng health caravan ni Joy B

MANILA, Philippines - May 3,000 residente sa lungsod Quezon ang nabi­yayaan ng health caravan program ni QC Vice Mayor Joy Belmonte nitong buwan ng Mayo 2012.

Sa naturang progra­ma ay nagkakaloob ang libreng serbisyo ng bloodletting/blood typing, eye screening, papsmear, breast exam, chest x-ray, massage, blood pressure at iba pa ay na­ipa­tu­pad ng tanggapan ni Bel­monte sa tulong ng Philippine Blood Center, Borough Medical Center, Phil Cancer Society, QC Institute at QC Skills and Livelihood Center. Layunin ng naturang programa na mapangalagaan ng lokal na pamahalaan ang kalusugan ng mga taga lungsod. Ang mga nakinabang sa naturang programa ay mula sa district 1 hanggang district 4 na nalibot ng health caravan mula Mayo 2 hanggang May 30 at magpapatuloy pa sa Hunyo 6 ng taong ito.

Show comments