^

Metro

4 patay, 300 bahay tupok sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang mag-asawang lolo at lola ang pawang nasawi sa sumiklab na sunog sa isang residential area na tumupok sa 300 kabahayan sa Makati City kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jose Padilla, 70 at misis nitong si Dolores, 75; Renato Gregorio, 50, at Bennie Padilla, 48, pawang mga residente ng Kalayaan Avenue at JP Rizal Street sa Brgy. Singkamas, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Makati Fire Department, dakong alas-5 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy na hinihinalang nagmula sa bahay ni Gregorio na isang electrician. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.

Dakong alas-7:40 na ng umaga nang maapula ng mga bumbero ang sunog na umabot sa pinakamataas na alarma. Ayon sa mga bumbero, naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa pawang yari sa light materials ang mga bahay na natupok.

Umaabot naman sa 3,000 katao ang nawalan ng tirahan sa sunog kung saan tinatayang nasa higit P5 milyong halaga ng ari-arian ang natupok.

Sugatan naman ang fire volunteer na si Hulito Sebastian matapos matamaan sa mukha ng hawak niyang fire hose at isang Nori Yu na nagtamo ng sugat sa ulo nang tumalon buhat sa nasusunog na bahay habang tatlo pa ang sinasabing nasuga­tan rin.

Samantala, pansamantala munang ipasasara ang kahabaan ng Kalayaan Avenue sa trapiko mula Pasong Tirad hanggang Masukol Street na papatayuan ng mga tent upang magsilbing pansamantalang tirahan ng mga apektado ng sunog.

vuukle comment

BENNIE PADILLA

HULITO SEBASTIAN

JOSE PADILLA

KALAYAAN AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI FIRE DEPARTMENT

MASUKOL STREET

NORI YU

PASONG TIRAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with