^

Metro

Cook ng MPD, dedo sa motorsiklo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 55-anyos na cook ng Manila Police District (MPD)-Public Information Office (PIO) nang masagasaan ng isang rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Ermita, Maynila kamakalawa ng umaga. Dakong alas-9:30 ng gabi nang ideklarang patay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Linda Tortoso Roza, 57, stay-in sa MPD Headquarters.

Arestado naman ang driver na si Agapito Malicante Pacana Jr., ng #393 Wildcat Village, Pasig City.

Sa report, dakong alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng MPD Headquarters, U.N. Ave., Ermita, Maynila.

Nabatid na galing ang biktima sa headquarters at papa­tawid sa kalsada para mamili sana ng pang-ulam sa Paco market nang mabundol siya ng isang rumaragasang motorsiklo na may plakang XRM (TQ 5616) na minamaneho ni Pacana. Dahil sa lakas ng kanyang pagkakabundol ay tumilapon ang katawan nito at mabagok ang ulo sa semento.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit makaraan ang 13 oras na pakikipambuno ay namatay din ito. Nabatid na walang drivers license ang suspect kaya bukod sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ay kinasuhan pa ito ng driving without license.

vuukle comment

AGAPITO MALICANTE PACANA JR.

ERMITA

LINDA TORTOSO ROZA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NABATID

PASIG CITY

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

PUBLIC INFORMATION OFFICE

WILDCAT VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with