Manila, Philippines - Iniimbestigahan ng pulisya kung sadyang nagbigti ang isang dalagang beterinarya makaraang matagpuang wala nang buhay na nakabitin sa loob ng kanyang silid, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Nakilala ang nasawi na si Delia Belle Tubo, 32, ng Building 2-B, Unit 306 NHA Housing, Merville, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-11:20 ng gabi nang madiskubre ang sinasabing pagpapatiwakal ng dalaga ng kanyang pinsan na si Alex Rosales, 40; at misis nitong si Cristine.
Ayon kay Rosales, galing sila sa pamamasyal sa isang mall nang umuwi sa naturang unit na kanilang pinaghahatian. Dito nila nabungaran ang biktima sa kuwarto nito na nakabigti gamit ang isang nylon cord.
Wala namang alam si Rosales na mabigat na problemang dinadala ni Tubo dahil sa hindi naman ito nagsasabi sa kanilang mag-asawa.