^

Metro

Floor manager, tinodas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang floor manager ng isang beerhouse sa Pasay City makaraang barilin ng isa sa dalawang lalaki­ na lulan ng isang motorsiklo sa tapat ng pinapasukan nitong establisimyento sa may Roxas Boulevard, ng naturang lungsod.

Isang tama ng bala ng kalibre .45 baril ang kumitil sa buhay ni Arnel Castillo, 34, ng Enigma KTV Bar na nasa Service Road ng Roxas Blvd., malapit sa Lourdes St., ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa tapat ng na­turang bar. Nabatid na nagbabasa ng dyaryo ang biktima nang huminto ang isang motorsiklo at bumaba ang angkas nito.

Walang sabi-sabing humarap at binaril ng malapitan sa ulo ng salarin ang biktima saka mabilis na muling umangkas sa naghihintay na motorsiklo at pasibad na tumakas tungo sa direksyon ng Maynila.

Inilarawan naman ng saksi na tindera ng sigarilyo ang salarin na may taas na 5-2”-5’3”, nakasuot ng itim na jacket, maong pants at itim na bull cap.

Blangko pa naman ang pulisya sa motibo ng pamamas­lang sa biktima. 

vuukle comment

ARNEL CASTILLO

BLANGKO

INILARAWAN

ISANG

LOURDES ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

SERVICE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with