^

Metro

Paaralan sa Maynila, iinspeksiyunin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Upang matiyak na ma­ayos pa at ligtas sa lindol, sinimulan na ng mga opis­yal ng Manila City Hall ang inspeksiyon sa mga paaralan sa lungsod kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 4.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, kailangan na bigyan ng prayoridad ang ka­ligtasan ng bawat estud­yante kung kaya’t sabay-sabay na titignan nina City Administrator Jay Marzan at building official Engr. Melvin Balagot ang istraktura ng mga paaralan.

Nabatid na umaabot sa 102 ang public elementary at high school sa lungsod na dapat na inspeksiyunin upang malaman kung ma­ayos ang daluyan ng tubig, bubong at pundasyon.

Una nang ininspeksiyon ni Marzan ang mga dormitory sa lungsod kung saan pinaalalahanan nito ang mga may-ari ng boarding house na ipinagbabawal ang ‘mixed boarders’.

Inatasan din nito si media information bureau chief at chief of Staff Ric de Guzman na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang maisagawa ang fire at earthquake drills at maihanda ang mga estud­yante.

Bukod dito, inatasan din ni Lim si barangay bureau director, Atty. Analyn Buan, na makipag-ugnayan sa mga ba­rangay officials sa pagsa­sagawa ng clean-up operations sa paligid ng pa­aralan laban sa iba’t ibang uri ng sakit.

Aniya, hindi lamang sa umaga umaatake ang mga lamok na may dalang dengue kundi maging sa gabi lalo na sa pagsapit ng tag-ulan.

ANALYN BUAN

ANIYA

CITY ADMINISTRATOR JAY MARZAN

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MELVIN BALAGOT

SHY

STAFF RIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with