Kandidatura ni Lim sa 2013, suportado ng 'Lions'

MANILA, Philippines - Suportado ng mga miyembro ng Lions Club ang kandidatura ni Manila Mayor Alfredo Lim matapos ang isinagawang convention sa Maynila.

Ayon kay Atty. Fred Linsangan, past president at Lions Club Council Administrator, todo ang kanilang suporta kay Lim dahil sa walang sawa nitong paglilingkod sa mga residente ng Maynila sa larangan ng edukasyon, medikal at kabuhayan.

Inihayag ni Linsangan ang suporta sa 63rd Lions Clubs Multiple District 301 State Convention kahapon sa Mehan Garden sa Manila.    

Makakatapat ni Lim si dating Pangulong Joseph Estrada sa 2013 election. Alam aniya ng mga Manilenyo kung sino ang totoong Manilenyo.  

Show comments