HS studes gagamiting junior traffic enforcers
MANILA, Philippines - Gagamitin ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang mga mag-aaral sa high school para mangasiwa ng daloy ng trapiko sa lungsod partikular sa mga paaralan malapit sa kanilang pinapasukan.
Sa kanyang ulat kay QC Mayor Herbert Bautista, sinabi ni QC Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Elmo San Diego na hahasain nila ang mga mag- aaral lalo na ang mga nasa high school bilang mga junior traffic enforcers.
Sinabi pa nito na ang mga mag-aaral ay bibigyan ng kaalaman sa mga basic traffic signs, batas at regulasyon at road safety information bilang paghahanda para sa darating na pasukan sa Hunyo.
Binigyang-diin nito na ang pagtatalaga sa mga mag-aaral bilang junior traffic enforcers ay mag-eengganyo rin sa kapwa nila estudyante para sumunod sa mga road safety tips at iba pang batas-trapiko.
- Latest
- Trending