Mangingisda dinedo ng kapwa mangingisda

MANILA, Philippines - Patay ang isang mangingisda matapos pagsasaksakin ng kapwa­ mangingisda sa Navotas kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Navotas Lying-in Clinic sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Louie Agustin, 31, ng Brgy. Tangos ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Sherwin Toldera, 32, ng Roldan St., ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga malapit sa bahay ng suspek sa nabanggit na lugar.

Naglalakad ang biktima sa lugar ng suspek nang salubungin at pagsasaksakin ng huli bago tumakas.

Dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan, ngunit hindi­ na ito naka­rating ng buhay, habang ina­­alam na ng mga pulis ang motibo sa pana­naksak.  

Show comments