^

Metro

Kelot nagbisikleta sa highway, sapol ng bus

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal ang buhay ng isang 42-anyos­ na lalaki makaraang mabundol at pumailalim pa sa isang rumaragasang pampasaherong bus habang nagbibisikleta ito sa Magallanes Interchange sa Makati City kahapon ng umaga.

Agad na isinugod sa Makati Medical Center ang biktimang nakilalang si Juanito Bartolome, ng Victor Apharador St., Pasay City. Nagtamo ito ng matitinding pinsala sa ulo at katawan.

Sumuko naman ang driver ng Yalong Bus (TXP-704) na si Luis Romeo Robidizo kung saan sumama pa ito sa pagdadala sa biktima sa naturang paga­mutan. 

Sinagot na rin umano ng pamunuan ng bus company ang gastusin sa pagpapa­gamot sa biktima.

Sa imbestigasyon ng Makati Traffic Police patungo sa may Buendia ang bus na galing sa South Luzon Expressway dakong alas-7:50 ng umaga nang mabundol ang nagbibisikletang biktima pagsapit sa Ma­gallanes Interchange.

Kinuwestiyon naman ng pamunuan ng bus company kung bakit pinapayagan ng mga awtoridad ang pagbibisikleta sa isang national highway tulad ng Magallanes Interchange lalo na’t mabibilis ang mga behikulong dumaraan dito lalo na ang mga galing sa SLEX.  

JUANITO BARTOLOME

LUIS ROMEO ROBIDIZO

MAGALLANES INTERCHANGE

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MAKATI TRAFFIC POLICE

PASAY CITY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

VICTOR APHARADOR ST.

YALONG BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with