^

Metro

Dumalo sa b-day party, utas sa tarak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang binatilyo makaraang saksakin ng magpinsan matapos na dumalo ang una sa birthday ng isa sa mga huli sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Richard Esguerra, 16, grade six pupil at residente ng Cluster 26 ROTC Hunters St., Brgy. Tatalon, sa lungsod.

Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa buong katawan at nagawa pang maisugod sa Delos Santos Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang mga suspect na sina Marlon Lerio, ng Cluster 15, at isa niyang pinsan na mabilis na tumakas.

Nangyari ang insidente sa may Cluster 15, malapit sa ROTC Hunters St. ganap na alas-11:40 ng gabi. Bago ito, nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan sa bahay ni Lerio, ang sinasabing nagseselebra ng kanyang birthday nang dumating ang pinsan ng huli na lasing.

Mula dito ay nilapitan ng lasing na pinsan ni Lerio ang biktima at walang sabi-sabing sinuntok ito sa mukha.

Dahil dito, nauwi ang pananapak sa suntukan, hanggang sa awatin ang dalawa ng kaibigan ng biktima at ayaing umuwi na lamang sila.

Samantala, habang naglalakad sa na sabing lugar ang grupo ng biktima, sinundan sila ni Lerio kasama ang pinsan at inatake ng saksak ang biktima.

Sinabi ng mga testigo, si Lerio ang nagsilbing tagahawak sa biktima habang ang pinsan nito ang siya namang umuunday ng saksak dito.

Matapos ang pana­naksak ay mabilis na tu­makas ang magpinsan.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

DAHIL

DELOS SANTOS HOSPITAL

HUNTERS ST.

KINILALA

LERIO

MARLON LERIO

MATAPOS

RICHARD ESGUERRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with