LPG nagbaba ng P1 sa kada kilo
MANILA, Philippines - Muling ibinaba ng grupo ng independent retailers na Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) ang presyo ng kanilang produkto dahil sa patuloy na pagbulusok ng halaga nito sa internasyunal na merkado.
Inihayag ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty na P1 kada kilo o P11 kada tangke ng LPG ang kanilang ibinawas isang linggo makaraan ang huli nilang rollback.
Matatandaan na nitong Mayo 16, nagtapyas din ang grupo ng P1 sa kada kilo ng cooking gas ng kanilang mga miyembro na Island Gas, Regasco Gas, Pinnacle Gas, Cat Gas, M-Gas, Omni Gas at Nation Gas.
Ayon kay Ty, ito ay kasunod na rin ng pagbaba ng contract price ng LPG ng halos $140 kada metriko tonelada.
- Latest
- Trending