^

Metro

MMDA maghihigpit kontra jaywalking

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Babala sa mga mahilig tumawid sa bawal.

Mahigpit nang magbabantay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga pasaway na jaywalkers bilang paghahanda na rin sa darating na pasukan sa Hunyo 4.

Sinabi ni Director Noemi Recio, hepe ng Traffic and Transport Management Office ng MMDA, nakikipag-ugna­yan na sila sa Department of Education (Dep Ed) upang alamin ang mga lugar na kinakaila­ngan magtalaga ng sapat na bilang ng mga traffic enforcers na manghuhuli ng mga jaywalkers.

Isa umano sa dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang mga pasaway na tumatawid sa kalsada kahit na ipinagbabawal. Aminado rin ito na kahit na napakarami ng itinayo nilang footbridges, marami pa rin ang mas ginugusto na isapalaran ang kanilang buhay sa pagtawid sa kalsada.

Partikular na babantayan ng MMDA ang University belt areas sa C.M. Recto sa Maynila kung saan matatagpuan ang mga unibersidad at kolehiyo.

Binalaan ng MMDA maging ang mga estud­yante na iwasang tu­ma­wid sa mga bawal na tawirang lansangan upang makaiwas sa multang P150 at paglilinis sa komunidad na katumbas ng parusa sa ilalim ng umiiral na batas.

Una nang isinisisi ng MMDA sa lokal na pamahalaan ang kawalan ng aksyon kontra sa mga pasaway na jaywalkers dahil sa ang mga ito umano ay may kanya-kanyang ordi­nansa.  

AMINADO

BABALA

BINALAAN

DEP ED

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIRECTOR NOEMI RECIO

HUNYO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TRAFFIC AND TRANSPORT MANAGEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with