2 pekeng kolektor ng Maynilad, tiklo

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng dalawang lalaki na nagpanggap na kolektor ng Maynilad Water Services

Makaraang maaresto ng pulisya sa inilatag na entrapment operation sa Sampaloc, Maynila noong Huwebes.

Isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors  Office ng mga kasong swindling at estafa  ang mga suspect na sina  Jervy Cortaga, 29,  ng # 1371 D. J. Nicolas , Tondo; at Emerson Jeff Santos, 30, ng  #1377-D J. Nicolas St.,Tondo, Maynila.

Ang dalawa ay ini­reklamo ni Ma. Juliet de Castro, 39, ng Sampaloc, Maynila matapos ang pangha-harass ni Cortaga na puputulan siya ng linya ng tubig kapag di- nakapagbayad ng P35,000, ayon kay P/Supt. Rolando Balasabas, hepe ang MPD Station 4.

Nabatid na hindi na konektado sa nasabing water services si Cortaga na naka-uniporme pa ng Maynilad subalit patuloy sa paniningil sa biktimang si De Castro.

Noong Huwebes (Mayo 17) ay dumating ang tunay na kolektor ng Maynilad at sinabing sinibak na si Cortaga kaya nagulat ang biktima.

Dito na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima kung saan inilatag ang entrapment operation kasama ang ilang kawani ng Maynilad at naaktuhan ang mga suspek sa modus operandi.

Show comments