Lalaki dinedo sa Manila Bay

MANILA, Philippines - Patraydor na niratrat at napatay ang 20-anyos na lalaki habang nakatayo sa gilid ng Manila Bay, kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Enrico Punzalan ng M. Naval Street, Barangay San Roque. Sa inisyal na ulat ng Navotas City PNP, nakatayo lamang ang biktima sa may bisinidad ng Ferry 4 sa Barangay San Roque nang lapitan at pagbabarilin ng di-kilalang lalaki. Mabilis na inusisa ng ilang residente ang pinagmulan ng putok at bumulaga sa kanila ang duguang biktima na nakabulagta sa kalsada. Blangko naman ang pulisya sa motibo dahil sa ayaw ring makipagkooperasyon ng mga residente sa kanilang imbestigayson sa takot na madamay sa krimen.

Show comments