^

Metro

MPD chief binalaan ang mga kawatan na tandem

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagbabala si Manila Police District (MPD) director General Alejandro Gu­tierrez sa mga riding-in-tandem na susubok na mangholdap at mag-snatch sa Maynila na maaaring manganib ang kanilang buhay kung matitiyempuhan sila ng nakatalagang Tactical Motor­cycle Riders (TMR) na pantapat sa kanila ng Philip­pine National Police (PNP).

Ani Gutierrez, malamang na mauwi sa engkwentro at mauwi sa kamatayan kung maaktuhan ng mga nag-iikot na TMR units (riding-in-tandem na armadong kagawad ng PNP) sa lungsod ang riding-in-tandem na mga kriminal.

Bagamat wala nang ga­anong napapaulat sa lung­sod na mga krimeng sangkot ang riding-in-tandem nitong nakalipas na buwan, mayroon pa­ilan-ilan tulad ng reklamong inihain ng isang Overseas Filipino Worker (OFW), na dinikitan ng riding-in-tandem habang naglalakad malapit sa P. Burgos St., Ermita, Maynila, alas-7:00 ng gabi ng Huwebes.

Lulugu-lugo ang bikti­mang si Ricardo Tiongson, 39, ng Brgy. Tabang, Plaridel, Bulacan dahil hinablot sa kanya ang dalang bag na nagla­laman ng kanyang pasaporte, lap top computer, tiket sa eroplano at halagang $1,000 ng riding-in-tandem sa hindi naplakahang motorsiklo na kulay puti.  

ANI GUTIERREZ

BAGAMAT

BURGOS ST.

FILIPINO WORKER

GENERAL ALEJANDRO GU

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NATIONAL POLICE

RICARDO TIONGSON

SHY

TACTICAL MOTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with