MANILA, Philippines - Apat na binatilyo ang iniulat na nasawi makaraang sumalpok sa isang poste ang sinasakyan nilang kotse sa loob ng Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Bruce Garcia, 14; Thomas Eric Nguyen, 16; Joshua Syyap, 15; and Timothy Syyap, 18.
Base sa inisyal na imbestigasyon, lulan ang mga binatilyo sa isang itim na Hyundai Elantra (TQQ-397)nang bumangga ito sa electric post sa may Guijo St., sa loob ng village dakong alas-4 ng madaling-araw.
Dahil sa lakas ng pagkabangga, tumilapon palabas ng sasakyan ang mga biktima.
“Total wreck ang sasakyan na nahati sa dalawa,” ayon sa isang residente na tumangging ibigay ang pangalan.
Ayon sa mga opisyal ng barangay na nakikipag-coordinate na ang Home Owners Association sa mga tauhan ng pulisya para magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.