Mabigat na trapik ngayong weekend, asahan
MANILA, Philippines - Inaasahang magiging matindi na naman ang pagbibigat ng daloy ng trapiko sa ilang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil sa isasagawang “concrete re-blocking” at paglalatag ng aspalto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inumpisahan ang pagkukumpuni ng mga kalsada dakong alas-10 ng Biyernes ng gabi. Kabilang sa mga kalsadang kukumpunihin ay ang isang seksyon ng Corregidor hanggang West Avenue northbound at Cloverleaf hanggang sa Kaingin Road southbound sa EDSA, Quezon City.
Kukumpunihin rin ang kalsada sa pagitan ng Dorotea at EDSA northbound sa may A. Bonifacio, Quezon City; sa Araneta Avenue sa pagitan ng Maria Clara at Calamba northbound; sa Fairview Avenue, Quezon City mula Atherton hanggang Regalado North westbound; Regalado North, Quezon City sa pagitan ng Bronx Street to Bristol Street.
Sa Ramon Magsaysay Blvd., Sampaloc, Maynila sa pagitan ng Sociogo hanggang Rotonda Phase I, II, III, IV at Nagtahan; sa AH Lacson, Sampaloc, Maynila mula España hanggang P. Margal; Bonny Serrano Avenue, Quezon City sa tapat ng Veterans Bank at sa kanto ng EDSA, at sa EDSA Mandaluyong City sa pagitan ng Pinatubo at Madison.
Inabisuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaraan sa naturang mga kalsada na bumagtas na lamang sa mga alternatibong ruta dahil sa pagsasara sa mga kukumpunihing bahagi ng kalsada.
- Latest
- Trending