^

Metro

Mag-utol kapwa kritikal sa tarak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kapwa nasa malubhang kalagayan ang magkapatid na lalaki makaraang maunahan na pagsasaksakin ng isa nilang kasamahan sa trabaho sa kainitan ng pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kapwa isinugod sa Pasay City General Hospital ang magkapatid na Rafael, 30; at Noel Villorente, 20, stay-in worker sa 597 E. Cornejo St., Malibay na parehong may tama ng saksak sa leeg at pisngi.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na nakilalang si Kevin Rezh Barse, 24, factory worker.

Ayon sa ulat, unang nakialam si Rafael sa pakikipag-away ni Barse sa misis nito hanggang sa silang dalawa naman ang magtalo dakong alas-11 ng gabi sa kanilang quarters sa pabrika.

Dito naman dumating si Noel at tinangka umanong pagtulungan ng magkapatid ang suspect subalit naka­dampot ang huli ng patalim at inundayan ng saksak ang magkapatid bago pa man siya tuluyang magulpi.

Sa loob ng istasyon, ikinatwiran ni Barse na self-defense lamang ang kanyang ginawa dahil sa pinagtu­lungan siya ng magkapatid na kung hindi niya nasaksak ay malamang siya naman ang isinugod sa ospital at maaaring namatay.

vuukle comment

AYON

CORNEJO ST.

DITO

KAPWA

KEVIN REZH BARSE

MALIBAY

NOEL VILLORENTE

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with