^

Metro

Film Fest sa pelikula gamit ang cellphone, ilulunsad

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang isang uri ng film festival para sa mga high school at college students ng mga pelikula na binuo gamit ang video shoot sa cellular phones.

Pinangalanang Metro­ Manila Film Festival (MMFF) Sine-Phone Festival, ilulunsad ito sa kala­gitnaan ng Hunyo at bukas para sa lahat ng estudyante sa high school at kolehiyo na inendorso ng kanilang mga prinsipal at department heads.

Kinakailangan na sasa­laminin ng isusumiteng mga movie entries ang temang “Restoring Road Courtesy Among Motorists and Pedestrians”, nasa 3-5 minutong haba, at naglalaman ng mga katangian sa pagi­ging magalang at disiplinado ng mga motorista at maa­aring nasa uri ng komedya, drama o katatakutan.

May kabuuang 60 entries ang tatanggapin ng MMDA, tig-20 buhat sa Luzon, Visayas at Min­danao. Pipiliin ang mga aplikante base sa “script” na isu­sumite sa MMFF Sine-Phone Filmfest Committee. Matapos na mapili ang 60 script, maaari nang mag-umpisa sa produksyon ng maigsing pelikula.

Tatlong entries ang pipiliin ng MMDA, tig-isa buhat­ sa Luzon, Visayas at Mindanao. May nakalaan umanong malalaking cash prize sa mga mananalo na ihahayag sa MMFF Awards Night sa Disyembre.

Sa oras na matapos ang panuntunan sa paligsahan ay agad itong ilalagay sa MMDA website at sa isa pang social networks tulad ng Facebook at Twitter. 

Lahat din ng mapipiling 60 entries ay ia-upload ng MMDA sa naturang social medias kabilang ang Youtube habang magkakaroon rin ng online voting.

AWARDS NIGHT

LUZON

MANILA FILM FESTIVAL

METROPOLITAN MANILA DEVE

PINANGALANANG METRO

RESTORING ROAD COURTESY AMONG MOTORISTS AND PEDESTRIANS

SHY

SINE-PHONE FESTIVAL

SINE-PHONE FILMFEST COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with