MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang traffic enforcer matapos saksakin ng isang barker habang ang una ay nagta-trapik sa Caloocan City kamakalawa.
Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak sa sikmura ang biktimang si Pablo Gammaru, 58, ng Bo. San Lazaro, Tala ng nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Lakay.
Lumalabas sa report ng Station Investigation Division (SID), Caloocan City Police, dakong alas-4:30 ng hapon naganap ang insidente sa Zabarte Road ng nabanggit na siyudad habang nagtatrapik ang biktima nang lapitan ng suspek at kinompronta.
Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan kung saan ina alam ng mga pulis ang motibo sa insidente.